News and Events

Enzo The Musical

Ang Istorya


Ang kwento ay nagsimula sa kapanganakan ng unang Pilipinong Santo na si Lorenzo Ruiz o tinawag sa dulang ito bilang Enzo. Sa kanyang kamulatan, kasabay na nagaganap ang samu’t saring pangyayari sa ating kasaysayn sa panahon ng mananakop na kastila, katulad ng diskriminasyon sa mga Indio at Intsik, ang pagmamalabis ng mga Prayleng Kastila at ang pag-aisa ng mga Guerilla Pilipino bago paman maitatag ang katipunan pagkatapos ng dalawang siglo. Sa kabila ng diskriminasyon at pagmamalabis ng mga namamahala sa relihiyong pilit na ipinayakap sa ating mga ninuno, umusbong ang tunay at wagas na pag-ibig kabutihan at maliliit na himala na siyang ikinatuwa ni Padre Domingo, ang nagsilbi niyang pangalawang ama. Nagbinata siya ng may angking talino sa pag-guhit at pagsusulat kaya’t siya ay nagging eskribano. Bagamat busilak at malinis ang kanyang puso, si Enzo ay tao rin na marunong umibig at magmahal. Kaya’t ng nakilala niya sa Rosario, umibig siya dito na humantong sa kanilang p agpapakasal at pagkakaroon ng mga supling.


Nang magkaroon ng misyon ang mga pari patungong bansang Hapon, sumama si Enzo sa mga ito. Hindi namana nagging maganda ang kanilang sinapit sapagkat pinahuli sila ni Sakakibara, isang huwes na hapon na nagpapalaganap ng relihiyong Shinto. Doon nila sinapit ang iba’t- ibang pagpapahirap para lamang itakwil nila ang kanilang paniniwala, ngunit nagging matibay ang pananampalataya ni Enzo at ng mga pari. Hindi ito nagustuhan ni Sakakibara, sa huli ay napagdesisyunan niya na ibitin ang mga pari, pati si Enzo sa Anaturushi hangang sila ay mamatay.


Ang Dula


Isang makulay, malaki at ambisyosong pagsasadula ang buhay ng ating unang pilipinong Santo, ang kalakasan ng dula ay ang istorya, mga awit, sayaw at galaw, mamahaling pagpalit ng maraming disenyo pangentablado at makulay na kasuotan at props. Pinagugnay din nito ang istorya ni Enzo at ng kasaysayan ng ating bansa. Kayat malaki ang pakinabang nito sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang dulang ito ay masasabing pinakamalaki sa lahat ng dulang pinalabas ng Philippine stager foundation.


Ang Panitikan


Isang makabago at kakaibang paglalahad ng istorya, ang panitikang ginamit ay ang mga salitang maaring maintindihan ng mga kabataan ng makabagong panahon. Hini-may man ang istorya sa maliliit na bahagi sa buhay ng ating unang Pambansang Santo, pinagugnay- ugnay ito upang makabuo ng isang malaman at makatotohanang paglalahad. Eksperimental man ang pagtrato sa istorya, hindi naman kinalimutan ang tradisyunal na pagsaalang alang sa literaturang importansya nito. Mayroon pa rin itong kumpletong element ng isang kwento na may panimula, pagtaas ng kaganapan, rurok, pagbaba ng kaganapan at konklusyon.


Upang mas lalong maging kapanapanabik at kaaya-ayang panoorin, pinagsanib ang ilan pang mga porma ng sining katulad ng musika, sining-biswal at sayaw .


Date Posted: 09-15-2010